Thursday, October 25, 2012
Ayun nga mga ka-nutts.... going back sa mainit init na tsismis... itong si tuklang kwago at tuklang bulog eh sweet sweetang magkatabi sa bus habang kami'y papauwi...
FAST TRACK: SUNDAY Linggo ng may bumulong sa akin na confirmed nga na may something kemeruth na ang 2 tukla na hindi aware si tuklang kabibe.... AT dahil nirerespeto ko ang mga secrets ng bulong bulungan eh mas pinili kong manahimik sa issue until Sunday afternoon ng biglang kumuda ang tuklang kabibe sa nalaman nyang may kati-kating emesyen nga sina tuklang kwago at tuklang bulog... Hindi mapigilan ang pagsabog ng emesyen ni tuklang kabibe, pagka bitter ng kanyang mga messages sa aming group... Anjan ang mag send sya ng ilang pamosong linya mula sa ilang not-so-pamosong song nina Roselle Nava at Bituin Escalante... wag nyo ng alamin ang song dahil nauumay ako.. Basta alam nyo na yun mga ka-nutts.... Kinausap ko ng masinsinan ang tuklang kabibe dahil for me hindi na healthy ang ginagawa nya at bilang isang kaibigan eh ayokong makaramdam sya na naawa na ang ibang kaselda namin sa kanyang himutok....
OO.. masakit ang nangyari... Dahil naghintay ka... Matiyagang kang naghintay... Buong buhay mo sa loob ng 3-4 months eh umikot lang sa iisang tao... masakit dahil nagmahal ka. pero anong magagawa mo kung hindi mo talaga hawak ang desisyon ng taong minamahal mo.. na wala kayong dapat tapusin dahil wala kayong inumpisahan... Anjan yung gustong puntahan ni tuklang kabibe si tuklang kwago para kausapin kung ano na nga ba ang status nila knowing na umaaligid si tuklang bulog... pero sabi ko nga sa kanya... wag ng mag-effort pa.... Try nyang mag-move on... Maghanap ng bagong mag-aalaga ng kabibe nya.. Someone na mas deserving.. Someone na hindi sya paasahin.. Someone na mamahalin sya ....
Sa ngayon wala pa akong balita sa buhay ng 3 tukla.... Basta ang alam ko... Hindi magpapa-durog si tuklang kabibe sa lahat ng nagyari sa kanya ....
At dahil kilalang kilala ko si tuklang kabibe.. im sure happy ang kanyang peg Parang ganito lang....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment